Reaction paper
Ang Rizal park ay hindi lamang magandang pasyalan kundi isa rin itong makasaysayang lugar na kung saan namatay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal dahil sa pagsalungat niya sa mga kastila.
Habang kami ay namamasyal ang pinaka maganda kong naranasan ay habang kami ay nasa Martydom ni Dr. Jose Rizal dahil doon namin nakita ang kasaysayan kung paano siya pinatay ng mga kastila pero ng nalaman ko na doon siya pinatay ay napakasaya ko sa kadahilanang nakapunta ako sa huling lugar na napuntahan ni Dr Jose Rizal na ating Pambansang bayani.
Habang kami ay nandoon sa Rizal park hindi kami masiyadong nag iingay dahil ang lugar na iyon ay isang sagradong lugar dahil nandoon ang rebulto ni Dr. Jose Rizal. Hindi rin kami nag kakalat sa lugar na iyon dahil maari rin kaming makasira ng kalinisan ng Rizal Park ngunit habang ako ay naglalakad sa lugar na iyon ako ay parang nahihiwagaan dahil madami akong hindi alam tungkol sa lugar na iyon pero dahil sa ginawa naming ito marami akong natutuhan.
Napakasaya ko dahil sa dami ng aking natutuhan tungkol sa lugar na iyon na kung anong nangyari kay Dr Jose Rizal at anong klaseng lugar dati ang intramuros na kung saan ngayon ay napakasayang lugar pero kung titignan ang ating kasaysayan sa lugar na iyon madaming masasamang nangyari at hanggan ngayon nabaon na sa mga pader ng intramuros.
Habang kami ay pauwi pagod na pagod ako ngunit napakasaya ko dahil sa dami ng natutuhan ko at sa dami ng karanasaan na nagawa ko gusto kong ulit ulitin ang ginawa namin na sadyang napakasaya at enjoy na enjoy kami at sinuliy namin ang bawat minuto ng aming paglalakad.
-Marlou Camandona
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento